People Power play!

Posted on February 25, 2008

3


edsa1.jpg

Isang malaking tagumpay ng Pilipinas nung pinalayas sa kapangyarihan ang diktadoryang Marcos. Sa buong akala ng karamihan, mabubuo na ang isang matatag na bansa sa kamay ng isang matatag na gobyerno. Nung EDSA 1 makikita at madadama ang pagsasanib ng buong lakas ng sambayanang pilipino. Sina Cory, Ramos at Erap ay umupo bilang pangulo ng bansa subalit ang pagiging isang mahina na bayan ay nangingibabaw pa rin. Nang si ERAP ay naging halimaw at naging gahaman, bumalik ang lakas ng sambayanan at sinipa siya sa pwesto. Pumalit si GMA na syang sentro ngayon ng mga pag aalsa. Isang babaeng presidente na may sapat na kapangyarihan. Pilit man pina pa alis subalit hati ang mga pilipino. Ang oposisyon ay bumubwelta na upang patalsikin si Arroyo. Ngunit pano nila mapapatalsik kung ang bawat isa sa kanila ay may mga sariling hangarin kung si GMA ay mapapatalsik. Ang bawat isa sa kanila ay may layuning papalitan si Arroyo na balang araw sila sila rin ang mag aaway na sya namang magiging suliraninΒ  ng bansa.

Ang simbahang katoliko ay nahahati rin sa dalawang pwersa. May mga obispong pilit nananawagan sa mga maliliit na simbahan upang buhayin ang people power. Ang sigaw naman ng iba “Pagbabago sa sarili” (COMMUNAL ACT).

Saan ngayon lulugar ang mga tao? Madidiktahan ba ng simbahan ang mga tao? Susunod ba sa laban ang mga pilipino sa nais ng mga oposisyon na halatang may mga sariling agenda? Nasa tamang lugar at kaalaman ba ang mga bayarang militante? Naiintindahan ba ng mga kabataan pinoy ang mga isyung pinag aawayan sa senado? (ZTE). Mahihikayat kaya ni Jun Lozada ang sambayanan pilipino? Mapupuno kaya ang EDSA? Magaganap ba kaya ang EDSA III? Kung mapapatalsik na si GMA?Sino ang papalit? Saan pupulutin si Arroyo? Matatahimik kaya ang bayan? Makakaya kaya ng dasal ang pagbabago? Sa tingin nyo ba hindi lalaban ang maliit na GMA na yan? Sa tingin nyo ba mananahimik na ang Media?

Ang ibig sabihin ng People Power ay kapangyarihan ng buong pilipino na nagkakaisa para sa isang layunin mula sa ordinaryon tao,estudyante, negosyante sundalo at simbahan.Tanong, nagkakaisa ba tayo? Ngayong 2010, masasaksihan rin natin ang sinasabi naming “personal vested interest” ng nasa oposisyon.

Ang Rebel Media ay ANTI-ARROYO! ANTI ARROYO’s dark side. Kung kami ang tatanungin kung sino sino ang dapat kataying at burahin sa mundo, sila ay ang mga hayagang halimawa: ABALOS, MIKE ARROYO,MGA POLITIKONG NASA SIMBAHAN, MGA BINABAYARAN,MGA KRIMINAL AT DRUG LORDS, AT MGA AMBISYOSONG OPOSISYON NA NAGHAHANGAD NG KAPANGYARIHAN.

Ang sa amin lang patapusin si GMA hanggang 2010. Hindi naman ito matatapos. Hindi nagkakaisa ang sambayanang pilipino, ang lahat ay nagkasala, ang lahat ay masama.Matagal na ring patay ang hustisya sa bansa.

Ang 22nd anniversary ng EDSA dos ay panawagan ng pagkakaisa sa pagbabago hindi pagkakaisa para gatungan ang gulong tinatahak ngayon ng PILIPINAS.

Posted in: Uncategorized