Tama na yan, Inuman na!

Posted on April 10, 2012

0


 
Ang beer nga naman kahit na nagka turbulence na sa himpapawid, always present. Ino order.
Delayed ang flight ko nung pauwi na bound Davao from Manila. Reason, the weather is deteriorating,mahina ang visibility ika nga ng staff ng CebuPac. Gabi yun ng April 7,2012.
Kainis, naka inom pa naman ako ng kape habang ina anunsyo yun. Iba’t ibang masasamang bagay tuloy ang naglalaro sa aking isipan kasabay ng di ko mabilang na kabog sa aking dibdib per second.
Naalala ko ang pinapanood kong mga airplane crash investigation sa National Geographic Channel habang tinitignan ang makapal na ulap sa langit.
Pagpasok sa aircraft, pa smile smile lng ako. Sino naming hindi mawiwili sa ganda ng ngiti ng mga stewardess. Lumipad na ang aircraft nakatatak parin sa isip ko ang mga posibling mangyayari sa amin sa himpapawid. Hindi ko ito 1st time, pero 1st time kong na experience na ma delay ang flight due to weather condition.
Habang hilong hilo sa maliliit na font ng SMILE magazine, umorder ako ng isang milk tea to relax me at least. Patay ang ilaw sa buong craft except sa katabi ko on the other side.
Tama ba ang nakita kong tumatagay sya ng beer with muching pulutan pa habang nag eenjoy sa mga tanawin sa labas ng eroplano? Beer nga. Gago to. Bar ba ito?
Habang uma alingasaw ang baho ng beer, hindi ko mapigilang mag isip ng mga bagay na posibling mangyari. Tulad ng highjacking. Wala lng.Baliw lng.Baka kasi malasing tong batang to at sisigaw ng hold up or high jack tapos biglang joke lng.Trip lng.
Bakit naman kasi may BEER sa menu ng CEBUPAC?
Bilang pasahero, sa tingin ko may karapatan din akong magpahayag sa aking opinion. Ako poy hindi sang ayon sa pagbibinta ng nakakalasing na inumin sa loob ng eroplano.
Ang beer sa mga taong tulad ko ay nakapagbigay ng kunting confidence sa sarili. Naalala ko noong nanligaw ako sa aking crush. Malaki ang utang na loob ko sa beer. Sa sobrang presko ko, yun, basted.
Anyway, nakwento ko lng yun dahil natatakot ako sa confidence na maibigay ng beer. Maaring magwala ang isang tao kapag na trigger ng alcohol. Maaring magwala o amok ang pasaherong ito. Who knows baka may mental whatever itong batang to at pagsasakalin kaming lahat habang natutulog.
Buti naman, nakatulog xa. Bwesit nga lang at ako ang hindi nakatulog sa pagbabantay sa kanya. Double kill. Takot baka magwala ang batang to at takot sa turbulence na inanunsyo ng kapitan. Ay naku!
Sino ba naman hindi matatakot eh bago kami lumipad nabasa ko ang article nato. DRUNK PASSENGER CAUSES PLANE TOCRASH.
Cge nga, kung kayo ang katabi nya makuha mo pa kayang mag SMILE tulad ng modelong nasa SMILE magazine ng Cebu Pacific?
Posted in: Uncategorized