SM: We cut all the pines for you!

Posted on April 15, 2012

0


Paulit ulit nating naririnig itong jingle ng isa sa pinakamalaking mall company ng bansa- SM

” At SM, We got it all for you”

Halos ma memorize na ito ng mga kasamahan kong mga chikiting na kahit sa bahay ay kinakanta ito.No choice. Closed the ear. Walked out.

Pumasok sa kwarto at nag facebook. Excited na e upload ang mga photos naming magbarkada nung aming bakasyon sa tinagurian Summer Capital of the Philippines – Baguio City.

Ang sarap dun, kahit tanghali ramdam pa rin ang lamig sa paa at batok. Bukod sa naiibang klima doon, napakaraming historical places pa ang pweding bisitahin at mag pa picture sa mga lugar na iniwan ng panahon matapos ang bakbakan nung mga panahong malaya pang mag mura at mamahal ang mga amerikano at mga hapon sa ating bansa.

Isa sa nag pa inlab sa akin ay ang flag rate ng mga Taxi cab. 35 pesos lang mas mura kesa sa Manila at sa ibang kapuluan. Isang araw, naka usap ko si Manong driver.

Naitanong ko ky Manong kung bakit naka T-Shirt lng siya gayong napakalamig ng panahon. Natawa siyang sumagot ng ” Malamig? naku anak para sa mga taga Baguio, mainit nato. Nagtataka na nga ako eh, habang tumatagal, painit ng painit.”

Nakinig lng ako habang binabaybay ang patungong Wright Park. ” Tapos kuya?”

“Dati, dito sa may Botanical Garden oh kahit diyan sa Burnham Park, natatabunan yan ng fogs. Super lamig pero ang presko ng hangin. Habang lumalaki ang mga anak ko at parami ng parami ang mga tao, painit ng painit ang klima. Sa Teacher’s Camp, dyan umuusok diyan pero ngayon, ewan ko nalang.’ dagdag ni Manong.

Balik sa pag upload ng mga photos sa facebook.

Naalala ko lang ang pag uusap na yun habang pinapanood ko ang videong kumalat sa social network na kung saan pwersahang pinapa alis ang mga taong sumisigaw ng pagkakaisa tungo sa pagpapahinto patuloy na  pagputol diumano ng SM Mall of Baguio sa mga Pine Trees sa gabing yun para sa expansion ng nasabing mall despite of the Temporary Environmental Protection Order mula sa korte. Bumunot pa ng baril ang nananakal ng tao ang mga bantay nito.

Naalala ko ang mga puntong iniwan ni Manong driver sa aking isipan. Ang ginagawa ng SM ay maihahantulad sa isang kriminal. Wala mang buhay ang Pine Trees tulad ng tao pero ang mga kahoy nato ang nagbibigay ng buhay sa atin sa anumang paraan.Binuhay nito ang turismo ng Baguio. Isa ito sa mga humahawak ng mga lupain kung saan itinatayo ang mga haligi ng mall. Walang kasing sarap ang maka inhale ng hangin sa ilalim ng mga nag gagandahan pine trees. Kriminal.

Ang hindi pag sunod sa utos ng korte ay gawaing KRIMINAL. 

It’s More Fun in the Philippines, ika nga. Tulad na lang ng mga photos na ito na gawa ng mga nagmamahal sa ating bayan. Ipinapakita sa larawang ito ang kahinaan ng ating pamahalaan magpatupad ng isang batas kaya lumalaki ang ulo ng mga abusado. Sa mga larawang ito na nagbabadyang hindi sila titigil sa pangangampanya na itigil ang pagpuputol ng mga naglalakihang pine trees.

Magkano naman kaya ang tinatanggao ng mga to? May order na nga ng korte tapos sa kanila pa nakapanig ang mga polis nato?Tsk tsk.

Maging ako man ay napukaw ang damdamin na himukin ang kalooban ng mga nagbabasa ngayon na sumabay sa krusada. Hindi sa pagsira ng reputasyon ng SM, hindi tayo kriminal, kundi tayo ay nasasaktan lamang sapagkat habang lumulubo ang pera ng mga mayayamang yan, paubos ng paubos naman ang ating natural na yaman.

Tsunami.Pagbaha. Landslide.Maging lindol ay resulta na ng pagiging isang abusado sa kaalaman at sa yaman.

Ang pagkawala ng lamig sa Baguio ay isang sinyales ng unti unting pagkamatay ng ganda nito. Gusto ko sanang bumalik doon sa ikatatlong pagkakataon pero matapos ko makita ang mga balitang ito, gusto ko pa ring bumalik hindi magbakasyon kundi maki isa sa mga taong malaki ang pagmamahal sa ating nag iisang bayan.

Oh hayan na, natapos ko ng ma upload sa facebook ang mga nagagandahang tourist spots sa Baguio kuha ng aking kamera nung Holy Week vacation. At dahil dito, wow, ang dami kong nakitang nag like kasing dami ng mga social network users na kumundina sa hindi makakalikasang gawain ng SM Baguio.

Hindi man tayo maririnig ng mga nagmamahala ng nasabing mall, pero at least, tumulong tayo sa pagbuo ng isang pwersa gamit ang technolohiya tungo sa isang layunin.Ikalat ang masaklap na balitang ito at makiisa sa krusada tungo sa kaligtasan hindi lang ng pine trees kundi ang kinabukasan ng Baguio City.

Paglabas ko ng kwarto, matapos ma upload ang vacation photos ko at maisulat ang blog post nato, si baby ko lumapit sabay sabing

“Daddy bili tayo car sa SM” ” Hmmm…titignan ko hindi ako sure kung babalik pa tayo dun” sagot ko.

Posted in: Commentary, Hero