Pork Barrel Scam: Kawawang baboy, nadamay pa

Posted on August 26, 2013

1


POTD_No to PorkKapag mataba, baboy. Kapag kawatan, baboy. Kapag makapal ang mukha, baboy. Kapag may pyesta at birthday, hindi ka sosyal pag walang baboy. Ngayon, sa kalsada at protesta, sikat rin ang mga baboy? Anong kasalanan ng mga baboy? Ang baboy nyo talaga. Ibalik nyo na nga yan sa kulungan. Ang init kaya.

Akala tuloy ng aking yaya at ng mga kaklase ng aking pamangkin na Anti-Pork or Health related ang protestang naganap sa Luneta. “Ahh siguro ang dami ng namatay sa highblood kuya ano ho?”Maging ang ka officemate ko, na isang taxpayer, hindi alam ang Pork Barrel at sa naganap na protesta. Basta ang alam din ng ibang facebook friends ko, maraming tutol sa baboy. Kita nga din naman sa profile picture and covers nila.

I think, majority of this country’s population doesn’t know what the pig is this stinky pork all about? Kaya pipilitin kong isulat ang artikulong ito sa paraang maiintindihan ng mga naglalaro ng DOTA, ng nag se-selfie, at ng mga nanonood lamang sa youjizz o youporn. Mga kuya at ate, tama na muna yan, ito na ang nangyayari sa bayan natin. Kung hindi kayang ipaliwanag ng nanay nyo at sa nag re recruit sa inyo para mag protesta, susubukan kong ipa amoy sa inyo ang baho ng baboy. Kawawang baboy, damay na naman.

Nagsimula ang kababoyan nato ng sumabog ang isang expose ng Daily Inquirer patungkol sa  mga bogus NGOs ng isang Janet Napoles na kung saan tumtanggap ng 40-60% kickbacks o commission ang isang senador o kongresista kapag inilaan nila ang kanilang lump-sum discretionary fund known as Pork Barrel sa nasabing bogus NGO ni Napoles.  Ibinulgar ito ng pinsan ni Janet na si Benhur Luy na kasamahan nya sa modus na etey.

Ang bawat congressman may 70 million na budget at ang ating mga mahal na senador ay may 200 million taon taon. Ibibigay ito ng buo sa bawat isa para matugunan ang mga nakalistang priorities na kinakailangang ma aksyunan agad tulad ng tulay, kalsada, gamot, binhi at maging scholarship. Kaya wag masyadong isamba ang inyong mga mahal na kongresman na siyang nagpa pa aral sa iyo dahil pera po yan ng bayan. Ng inyong nanay. Ng inyong tatay. Ibinabalik lang ito sa atin.

Dito na papasok ang kababoyan. Isang taong baboy na siyang kakausap sa mga mataas na staff ng bawat politiko. Sikat dito ang nawawala paring si Janet Napoles. Ang JLN corporation na pagmamay-ari ng mga Napoles, ay ang humawak sa mga multong non-government organizations. Ang bawat isa na kukubinse sa isang lawmaker may komisyon. Maging ang isang senador o congressman na kakagat sa kababuyang istilo ng pagnanakaw nato ay tatanggap rin ng 40 – 60% kickbacks mula sa budget na ibibigay nila sa fake NGO.

PDAF-senatorPDAF ALLOCATIONExample. Si Panday. P400 million ang kanyang na released sa NGO ni Napoles. Ibig sabihin P160,000,000 (40%) ang kanyang na enjoy since 2007 -2009. Can you do the math for bejeweled addict and Juris fan – Enrile? Isama nyo na ring yang nagmamalinis na anak ng isa pang baboy. Hindi ko na ma take kung gaano kalaki ang ibinulsa ng mga wild bores na ito.

Ganun lang. Bow. Ngayon alam nyo na kung bakit big deal ang manalo sa kongreso? Ngayon alam nyo na kung bakit nagpapatayan ang dalawang pamilya para maluklok lamang sa pwesto. Ngayon alam nyo na kung bakit hindi sila takot na gamitin ang sariling pera nila sa pangangampanya dahil ma re refund naman ito sapamamagitan ng kanilang Pork Barrel. Pustahan tayo, if this porky thingy will be totally vanished in the government system, no one will aggressively fight this 2016 election. Ang hirap kaya maging isang lawmaker. Ano pang gagawin nila diyan kung wla na si Porky.

Pansinin. Mag-isip. Pa-andarin ang natitirang kukuti sa mga sumusunod na halimbawa. Amoyin ang kababoyan. Kawawang baboy,damay na naman.

To simplify the flow of the request of  Priority Development Assistance Fund or Pork Barrel, think of a mother-son scenario. A college student asks his mother for his 1 week allowance and for school projects. The mother is the Department of Budget. She would ask him to give her a list of his expenditures for the week. The school projects are the contractors who would bid their services. The son would give his mother the list of expenses he needs for the week.  And his mother  would appropriate and allocate the budget depending on the level or urgency or shall I say depending on his relationship to his mother. The mother might have another daughter. Favoritism. Political Patronage.

Hindi pa tapos ang kwento. Ilabas ang panyo maya maya ay babaho na ang storya.  The Department of Budget secretary is the one who allocates and disburses PDAF. His name is Florencio Abad. His wife is the Batanes Representative Hendina Abad who received an amount of P92 million as her PDAF for 2012. Mga kababayan, nasa 16,000 lang ang populasyon ng Batanes at mas maliit pa ang sinasakupan nya kesa sa mga baranggay na nasa Maynila. Take note, si Abad ang ikaanim sa 289 kongresista na may pinakamalaking natanggap na Pork sa taong 2012. Tinalo nya pa si Cong.Feliciano ng Quezon City na nakatanggap lamang ng P65 million para sa daan- daang libo katao sa kanyang distrito. Oh no! Something smells porky here.

Ituloy natin ang kababoyang ito. P13 million lang po ang natanggap ng dating Batanes Rep. Dr.Carlo Oliver Diasnes para sa taong 2009 at P17 million lamang sa 2010. Noong nasa kamay na ng mga Abad ang pwestong eto sa Batanes, aba, domoble agad ang budget. Naging P43million na PDAF ni Budget Sec wife Hendina Abad noon 2011. Graveeeh. Kaya ang tanong ko ngayon, kumusta ang Batanes?

flagpoleHeto pa, P7million para sa isang flagpole? Kaya naman siguro ang daming tambay sa luneta, nagbabakasakali na ginto ang flagpole na ito. O baka naman, with wifi ang pole na ito? Ilang pagkain at binhi na ang mabibili ng isang 7million pesos!

Lilinawin ko lang. Ako po ay naniniwalang napakaganda ng intensyon at systema ng programang PDAF. Ang pagkakaroon ng Pork Barrel ay isang epektibong pamamaraan para mapadali ang pagtugon sa mga bagay na kailangang matugonan sa bawat probinsya. Kailanman hindi problema ang PORK kundi ang mga niluklok nating mga lideres na kasing kapal ng BARREL ang mukha. Ang pagkukuntsabahan ng mga baboy nato ang pumapatay sa atin. Gumaganda ang ekonomiya ayon sa Phil.Stock Exchange, pero hindi natin ramdam ang paglago ng ekonomiya. Lumago man ito napupunta naman sa mga baboy. Kawawang baboy, nadamay pa.

jean napoles and jun poor

Meron akong ipapakilala sa inyo. Siya ang batang si Jun2x. Ang ama nya ay taga tulak ng kariton sa palengke habang ang kanyang ina ay nasa bahay lang. Nakatira ang pamilya nya sa ilalim ng Bankeruhan bridge sa Davao City. Dinig mo mula sa ilalim, kung saan sila sumisilong, ang pagdaan ng mga sasakyan. Hindi rin nila inalintana ang rumaragasang Davao River. Isa lang sila sa mga mamamayang isang kahig isang tuka ika nga.

Sino naman ang hindi pa nakakilala sa anak ng wanted na baboy. Siya si Jean Napoles. Nakatira sa P80million lang naman na apartment sa Ritz-Carlton, Los Angeles. Lagi nyang ipinangalandakan sa instagram ang kanyang P400,000 Chanel clutch bag. Meron daw siyang siyam na YSL tribute shoes na may halagang P360,000. Aba, nasa P1million lang naman ang kanyang Hublot watch. Wala siyang boobs pero mahilig siyang magsuot ng Baby Pink Herve Leger na nakakahalagang P75,000 lang. Not to mention her cars and other expensive stuffs. Syempre, ang kanyang “legalized” debut. Nag hit din yun sa youtube kaya palakpakan. Kaya nga ang tanong, anong say mo Kris Aquino?

Pulubi mang maituturing ang pamilya ni JunJun, at least, sa hirap at ginhawa, magkakasama sila sa isang kandilang nagsisilbing liwanag sa munting tahanan nila sa ilalim ng tulay. Ang baby pink na Herve Leger ni Jean ay sapat na para makatapos ng pag aaral sina Jun at ng kanyang kapatid. Siya nga pala, ng bumalik ako sa lugar nila para tapusin ang documentary film ko, wala na sila doon. Ayon sa kanilang mga kakilala, isa ang bahay nila na naanod noong nag overflow and Davao River na siyang umanod din ng maraming bahay sa lungsod ng Davao. Sana, ligtas sila. Sana, ang mga baboy nato nalang ang kinain ng putik total sanay sila sa putik. Kawawang baboy, nadamay pa.

Ang labang ito ng mga pilipino kontra Pork Barrel ay nagsisimula pa lang. Ang pag martsa sa Luneta ay sumisimbolo pa lamang na kaya nating magkaisa muli.  Kaya ang tangi nating gawin sa mga oras na ito ay maging mapagmatyag. Manood ng balita. Protektahan ang bawat karapatan. Hindi puro Be Careful With My Heart or My Husband’s Lover nalang ang ina atupag. Meron tayong isang malaking suliranin na dapat ayusin.

Lastly, si DILG Mar Roxas ay may 1 billion ding Pork Barrel? Ha? Para saan?Para daw sa mahihirap. Nako eh anong silbi pa ng pork barrel ng mga kongresista? Ito ay lantarang pambababoy na sa atin bilang tax payer. Kaya ako ay nanawagan na itigil na ang pagbayad ng buwis. Tingnan lang natin kung meron pa silang magagamit. Itigil na ang tax na yan kung mapupunta lang sa mga wild pigs na ito.

Biruin mo, sa kabila ng pag abolish daw ng pangulo sa Pork Barrel, tuloy parin daw ang 2014 PDAF allocation? WHAT THE PIG! Ano? Dahil napirmahan na ito bago ang announcement? Constitution? Noong nag people power , nasa consitution ba ang pagpapatalsik ng isang pangulo sa ganoong paraan? Wala! Kaya itapon yang constitution kapag ang bayan na ang nagsasalita.

Paalala, hindi tinutugis si Janet Napoles dahil  napatunayan na ang kanyang pagkasangkot sa Pork Barrel Scam. Ito ay dahil lamang sa pagkulong sa whistle blower na si Behur Luy sa kanyang bahay ng tatlong buwan. Mahaba haba pang inuman ito mga tsong. Simula pa lamang ng isang kabanata. Marami pa tayong baboy na kakatayin sa Senado at Kongreso. Kawawang baboy, nadamay pa!

P. S. If I were to rename PDAF, I would suggest this name to them > National Allocation Serving Automatic Yearly Organized NAtive And Non-Governemnt Localized Advances Hovering Aggresive Tie-up or sa madaling salita ( NASAYO NA ANG LAHAT). Malapit na ang Got to Believe ng KathNeil. Marami na namang kababoyan ang matutunan natin at natitiyak kong maraming homework na naman ang hindi matatapos gabi gabi.

SHARE THIS TO YOUR FACEBOOK AND TWITTER.