Doraemon: Ang Mahiwagang Wheel Chair!

Posted on May 24, 2012

0


Sa mga oras na ito, busy si Doraemon sa pagpapahiram ng mahiwagang wheel chair sa mga taong tulad ni Chief Justice Corona matapos ginamit ang upuan may gulong sa mga nakaraang teleserye sa ‘Philippine Government Channel’. Ma istilo. Nakakainsultong palabas ng mga kawatan sa gobyerno.

Minsan sa buhay ng mga tao, kahit ikaw ang pinaka matalino sa bansa, babalik at babalik ka rin sa pagiging bata. Batang isip. Ang tingin ng mga to ang lahat ng taong nakasunod sa kanila ay mga bata din. Kaya heto sila, sa tuwing sasabak sa anumang paghuhukom, tatawagin si Doraemon, gagamitin ang mahiwagang wheel chair para makaiwas sa anumang pagtatangka ng mga hurado.

Ganito na ba kaliit ng tingin ng mga taong ito sa mga pilipinong nagbabayad ng tamang buwis?Mga mamayang umaasa sa lideratura ng bawat pinuno na nakalukluk sa pwesto. Ganun na ba ka babaw tayo mag isip at hinahayaan nating itong mangyari?

Bago paman sumabak si CJ Corona para e cross examine, tila parang teleserying sinubaybayan ang impeachment trial nato mula Day 1. Pagkatapos ay bibiguin lamang tayo ng bida sa storya? Hindi dahil sa hindi sya na cross examine kundi nakaiwas na naman cya sa miinit na banat ng prosecution at ng senator judges, itoy kund dahil napaka bulok ng isitilo nato. Pa heart attack kunyari. Pa kidney failure kuno. Kumita na ang mga to kay Bulante at kay Gloria.

Kung si Enrile nga nakaya ngyang magpatawa at pa maintain ang blood pressure by listening Juris song while on trial, eto pa kayang CJ nato na mas bata kay manong Enrile? Kung nasasaktan sya sa nangyari, mas lalo xa dapat maging matatag upang sa ganoong paraan, malaya nitong malinis ang kanyang pangalan sampu ng kanyang pamilya.

Ang mahiwagang wheel chair nato ay malapit ng mag retiro. Noon paman paborito na itong EXIT pass ng mga nasasakdal. Kung ikaw ay hindi healthy, may kidney complications, kaya mo pa ba kayang panguluhan ang isang posisyon tulad ng CHIEF JUSTICE? Nasaan ang justice?Napa ka “chief” mo naman!

Naniniwala akong nandito na tayo sa tinatawag na daan matuwid. Hindi kayang linisin ng isang pangulo ang kalat ng dating abusadong lider sa isang taon o dalawa laman considering the low processing of our justice system. ‘Hangers’. May virus utak mo pre!

Hetong mga natatakot mawalan din ng trabaho, na kung saan panay ang prayer rally at panawagan na walang kasalanan ang kanilang ‘bossing’ sana naman itigil na nila to. Nagmumukha silang kawawa. Responsibilidad ba ng boss nyo na e share ang mga yaman na pumapasok sa kaniyang account every month at kung makapag protest ka parang alam mo talagang walang kasalanang nagawa ang “Sir” mo? Simple.Nandyan ka because you are more likely aware na tataob ang kaldero mo sa tuwing ma impeach si ‘Sir’ mo. Kung ako sa kanila, simulan ko ng mag submit ng resume sa JobStreet.com.

Saan kaya dadalhin ni Doraemon ang mahiwagan wheel chair nato sakay ang taong laging may CORONA? Sa states kasi may kidney failure? Arroyo ikaw ba yan? Magkasing lahi nga kayo.

Advertisements
Posted in: Uncategorized