Si Juan tamad at si Huang Swapang sa Scarborough Shoal

Posted on May 1, 2012

0


“I see a little silhouette of a man,

SCARBOROUGH,SCARBOROUGH! Will you do the Fandango. Thunderbolt and lightning very very frightening me, Galileo,Galileo Magnifecooo…”

Kasing sikat na ng balita patungkol sa Scarborough Shoal ang  awitin ng Queens. Mapa radyo or telebisyon, Scarborough ang laman. Dinagdagan pa ito ng kumanta si Jessica Sanches sa American Idol ng Bohemian Rhapsody. Syempre, pag pinoy henyo na pagdating sa kalokohan.

Patindi ng patindi ang tension sa Panatag Shoal o mas kilala bilang Scarborough Shoal. Mala higanting sasakyang dagat ang umaaligid sa palibot ng isla. Pinoy at Intsik. Isang tamad at isang swapang.

Philippine forces against the CHINA Navy ships

Simulan natin kay Juan tamad. Isang tanong lang ang naglalaro sa aking isipan. Bakit hinayaan nating maging mahina ang fortress ng bansa at nalusutan tayo ng mga swapang na mangingisdang intsik. Nakapasok ibig sabihin, ilang ulit natong ginagawa ng mga intsikoy nato ang pagnanakaw sa yamang dagat ng Pinas. Ang kahinaan ng depensa ang nag udyok sa mga dayuhang tulad ng China na isa sa makapangyarihang bansa buong mundo. Ulitin ko, BAKIT?

Si Huang Swapang naman. Arogante. International Law binaliwala. Isa itong kabastosan at kawalang respeto sa saligang batas ng mundo. Ginawa ito upang magkaroon ng mahinaong pamamahala ang bawat bayan sa kanilang mga nasasakupan. Malinaw ang batas na nagsasabing ang buong exploitation rights para sa mga yaman ng dagat,isla at sa himpapawid ay buong nasasakop ng isang bayan kapag hindi sumubra sa 200 nautical miles or more than 300 km of EEZ or Exclusive Economic Zone. Napakadaling intindihin.

Almost 800 km ang layo ng Scarborough Shoal sa China at nasa 219 km lng ang layo ng isla sa Pilipinas. Malinaw na sakop pa ng EEZ ng Pinas ang isla na ni ratified pa ng CHINA noong 1994. Ibig sabihin, nilagdaan na ng CHINA ito noon pa man na ang isla ay sakop nga ng Pinas.

Nasa 500 miles lang ang Scarborough sa Malaysia, closer than China. Gayunpaman, wala tayong narinig ng pakikisawsaw ng Malaysia sa isla. Mas malapit naman ito sa Taiwan. Pero, wala tayong narinig mula sa kanila.

International Law. Hindi ba kayang intindihin to ng mga intsik o sadyang swapang lang ang mga to sa kadahilanang mayaman ang shoal sa langis at iba pang yamang dagat?

CHINA at ang ASIA.

Bukod sa Spartlys Island at Scarborough, ay mga isla ding gustong sakupin ang Tsina sa Malaysia at Vietnam. Ang pagka swpang at pagiging agresibo ng China sa pang aangkin ng mga isla ay posibling magdudulot ng hindi magandang relasyon sa loob ng ASEAN.

Alam nating walang laban ang mga bansang nakapalibot sa bayang ito. Sa military forces palang, talo na ang bayan ni Juan. Agresibo ang isa sa mga commander ng Tsina nung sinabi nyang, WAR lng diumano ang sulosyun sa isyung ito. Arogante.

Kampante ang Pinas na kaya ng Defence department kausapin ang China pero bakit hanggang ngayon wala pang konkretong suhestyon na binalita kung anong gagawin sa Scarborough. Ang pinaka feasible lng na nakikita ko ay ang element of sharing. 50/50. Poor Philippines. Weak. Cannot stand by itself.

Non-North Atlantic Treaty Org member ang Philippines. Meaning, hindi kabilang ang bansa sa samahan ng mga malalaking bansa na layuning magtutulungan sa panahon ng kagipitan lalo na pagdating sa GYERA. Ganunpaman, considered as ally ng Pinas ang Esatados Unidos thru Major Non-NATO ally of the United States. Itoy naglalayon parin ng pagkakaisa , again, sa larangan ng gyera.

Worst case scenario ng usapang ito ay gyera. Malakas man ang CHINA, mas malakas naman ang pwersang magsasanib laban sa kanila. Tamad man si Juan pero WA-IS.

Masyadong mabait ang Pinas sa mga intsik, akalain mong halos bawat city sa bansa may “CHINA TOWN”? At, pinagdiriwang pa dito ang Kung Hei Fat Choi (Chinese New Year).Sa CHINA, may PINOY streets ba tayo? Or PINOY TOWN?WALA!  Ganun kalaki ang respeto ng bansang Pilipinas sa China dahil sa minsan na tayong sinakop ng mga to. Yun nga, sinakop na’t lahat lahat, ito namang si Juan, nagbibigay galang parin.

Kulang paba ang respetong ito at nagawa pang angkinin ng mga tsino ang mga isla natin? Talaga bang YAMAN ang nangingibabaw kay HUANG keysa sa relasyon? Ngayon alam ko na kung gaano ka makapangyarihan ang pera.

Sa ngayon, hindi ko alam kung ano ang at paano maresolba ang isyung ito ni Juan Tamad at Huan Swapang. Ika nga ni Adele, “We Could Have Had It All” Tamad nga lang.

Ikaw anong say mo?

 

Advertisements